Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga lider ng Tsina at NoKor, nagpadala ng mensaheng pambati sa isa't-isa

(GMT+08:00) 2019-10-06 13:09:38       CRI

Ipinadala Linggo, Oktubre 6, 2019 nina Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangulo ng bansa, at Kim Jong-un, Tagapangulo ng Korean Workers Party, ang mensahe sa isa't-isa bilang pagdiriwang sa ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa.

Sa mensahe, ipinahayag ni Xi na nitong 70 taon na nakararaan, pormal na naitatag ng Tsina at Hilagang Korea ang relasyong diplomatiko. Ito aniya ay may mahalagang katuturan sa kasaysayan ng relasyon ng dalawang partido. Ani Xi, nitong 70 taong nakalipas, natamo ng pagpapalitan at pagtutulungang Sino-Hilagang Koreano ang kapansin-pansing bunga sa iba't-ibang larangan, bagay na nakakapagpasulong nang malaki sa kanilang usaping sosyalista at nakakapagpatingkad ng mahalaga at positibong papel sa pangangalaga sa kapayapaan at katatagang panrehiyon.

Dagdag pa ni Xi, nakahanda ang Tsina na sa okasyon ng ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa, patuloy na magsikap kasama ng Hilagang Korea para mapasulong ang malusog at matatag na pag-unlad ng relasyong Sino-Hilagang Korea at makapagbigay ng mas malaking benepisyo sa dalawang bansa at kanilang mga mamamayan.

Sa kanya namang mensahe, ipinahayag ni Kim Jong-un na buong tinding iginigiit ng kanyang bansa ang pagkakaibigang Hilagang Koreano-Sino para maisakatuparan ang komprehensibong pag-ahon ng relasyong pangkaibigan at pangkooperasyon ng dalawang bansa. Ito aniya ay buong tatag at di-nagbabagong posisyon ng partido at pamahalaang Hilagang Koreano.

Salin: Lito

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>