Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Papel ng enerhiyang nuklear sa pagharap sa pagbabago ng klima, di-mahahalinhan — Tsina

(GMT+08:00) 2019-10-08 11:07:38       CRI

Nitong Lunes, Oktubre 7, 2019, dumalo ang delegasyong Tsino na pinamumunuan ni Zhang Kelian, Puno ng Pambansang Departamentong Atomiko ng Tsina, sa Pandaigdigang Pulong ng Pagbabago ng Klima at Papel ng Enerhiyang Nuklear na magkasamang itinaguyod sa Vienna ng International Atomic Energy Agency (IAEA) at Nuclear Energy Agency (NEA) ng Organization for Economic Co-operation and Development (OECD).

Sa kanyang talumpati sa pulong, inilahad ni Zhang ang ideya ng pag-unlad ng Tsina na gumigiit sa inobasyon, koordinasyon, luntian, pagbubukas, at magkakasamang pagtatamsa. Isinalaysay din niya ang natamong karanasan at tagumpay ng Tsina sa aktibong pagtutupad ng obligasyong pandaigdig sa pagbabago ng klima at pag-unlad ng enerhiyang nuklear.

Ipinagdiinan pa niya na sa proseso ng pagharap sa pagbabago ng klima, at pagtatatag ng luntian, low-carbon, at sustenableng sistemang pang-enerhiya, di-mahahalinhan ang ginagawang papel ng enerhiyang nuklear.

Tatagal ng isang linggo ang nasabing pulong na dinaluhan ng halos 500 kinatawan mula sa 75 bansa at 17 organisasyong pandaigdig.

Salin: Lito

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>