Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga lider ng Tsina at Bulgaria, Romania, Czech Republic, Slovakia, Hungary at Poland, bumati sa isa't isa sa ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko

(GMT+08:00) 2019-10-08 10:58:09       CRI

Mula noong Oktubre 4 hanggang Oktubre 7, magkakahiwalay na nagpadala ng mensaheng pambati sa isa't isa si Pangulong Xi Jinping ng Tsina at ang mga lider ng 6 na bansang kinabibilangan ng Bulgaria, Romania, Czech Republic, Slovakia, Hungary at Poland, bilang pagdiriwang sa ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng kani-kanilang relasyong diplomatiko.

Tinukoy ni Xi na pinakamaagang kumilala sa Tsina ang nasabing 6 na bansa, at nagtatag ng relasyong diplomatiko sa Tsina. Nitong nakalipas na 60 taon, batay sa paggagalangan, pantay-pantay na pakikipamuhayan, mutuwal na kapakinabangan, at win-win situation, walang humpay na sumulong ang bilateral na relasyon, bagay na nakapaghatid ng aktuwal na kapakanan sa mga mamamayan ng Tsina at naturang 6 na bansa. Nakahanda aniya siyang magsikap, kasama ng mga lider ng 6 na bansa, at samantalahin ang pagkakataong dulot ng magkakasamang pagtatatag ng Belt and Road at kooperasyon ng Tsina at mga bansa ng Gitnang Silangang Europa, para mapasulong ang tradisyonal at mapagkaibigang kooperasyon sa bagong antas.

Buong pagkakaisang ipinahayag naman ng mga lider ng nasabing 6 na bansa ang kahandaang komprehensibong palakasin ang bilateral na pakikipagpalitan at pakikipagtulungan sa Tsina, at pasulungin ang konstruksyon ng Belt and Road at kooperasyon ng Tsina at mga bansa ng Gitnang Silangang Europa.

Nagpadala rin ng mensaheng pambati sa isa't isa si Premyer Li Keqiang ng Tsina at ang kanyang mga counterpart ng 6 na bansa.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>