Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pagbibigayan ng H. Korea at Amerika, inaasahan ng Tsina

(GMT+08:00) 2019-10-09 11:07:16       CRI

Ipinahayag ng panig Tsino ang pag-asang pananatilihin ng Amerika at Hilagang Korea (DPRK) ang pagtitimpi at magbibigayan, para malutas ang mga ikinababahala ng isa't isa sa pamamagitan ng diyalogo at pagsasanggunian.

Ipinahayag ang nasabing paninindigan ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, kaugnay ng working-level na konsultasyon ng nasabing dalawang bansa, sa regular na preskon nitong Martes, Oktubre 8.

Ayon sa panig ng Hilagang Korea, hindi natamo ang bunga na inaasahan sa konsultasyon na ginanap sa Stockholm, Sweden, noong Oktubre 5, kaya nabigo ang talastasan. Sinabi naman ng panig Amerikano na mainam ang talakayan at iminungkahing muling magtalastasan ang dalawang bansa pagkatapos ng dalawang linggo.

Idinagdag pa ni Geng na ang denuklearisasyon para maisakatuparan ang pangmatagalang kapayapaan ng Korean Peninsula ay tunguhin at komong palagay ng komunidad ng daigdig. Inulit din ni Geng ang kahandaan ng Tsina para patuloy na gumanap ng konstruktibong papel para rito.

Salin: Jade

Pulido: Mac

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>