Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga lider na dayuhang kalahok sa seremonya ng pagpipinid ng Beijing International Horticultural Exhibition, kinatagpo ng Premyer Tsino

(GMT+08:00) 2019-10-09 17:10:44       CRI

Magkakasunod na kinatagpo ni Premyer Li Keqiang ng Tsina ang mga lider na dayuhang kalahok sa seremonya ng pagpipinid ng 2019 Beijing International Horticultural Exhibition.

Sa kanyang pakikipagtagpo kay Hor Nanhong, Pangalawang Punong Ministro ng Cambodia, ipinahayag ni Premyer Li ang kahandaan ng Tsina na patuloy na pasulungin ang talastasan hinggil sa kasunduan ng malayang kalakalan ng dalawang bansa at Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP). Kasabay nito, pasusulungin din ang pagsasanggunian hinggil sa Code of Conduct in the South China Sea (COC) para magkasamang mapangalagaan ang katatagan at kapayapaan ng rehiyon.

Sinabi naman ni Hor Nanhong na ang pagkakalagda ng plano ng aksyon para sa pagtatatag ng komunidad ng Tsina't Cambodia na may pinagbabahaginang kinabukasan ay ibayo pang magpapasulong ng komprehensibong estratehikong partnership at mga pragmatikong pagtutulungan ng dalawang bansa.

Salin: Jade
Pulido: Mac

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>