Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

CRI Komentaryo: pag-a-upgrade ng konsumo, nagpatingkad ng malaking lakas-panulak para sa kabuhayang Tsino

(GMT+08:00) 2019-10-09 11:36:18       CRI

Sa katatapos na bakasyon ng National Day, lumikha ng mga bagong rekord ang maraming datos ng konsumo ng Tsina: mula noong Oktubre 1 hanggang Oktubre 7, lumaki ng 8.5% ang kabuuang halaga ng tingiang benta at kita ng mga negosyo ng pagkain at inumin ng buong bansa kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon; umabot sa 649.71 bilyong yuan RMB ang tourism revenue sa loob ng bansa, na lumaki ng 8.47%. Lampas sa 5 bilyong yuan RMB ang box office sa panahon ng bakasyong ito.

Ang naturang isang serye ng mga datos ay nagpapakitang sa kalagayan ng paglakas ng di-tiyak na elemento, ang konsumo ay tuluy-tuloy na nagsisilbing pinakamahalagang lakas-panulak ng kabuhayang Tsino.

Samantala, maraming bagong tampok ang lumitaw sa konsumo sa panahon ng katatapos na bakasyon ng National Day. Halimbawa ang night-time economy ay nagsilbing bagong pinanggagalingan ng paglago ng kabuhayan, at mainit ang reaksyon ng mga mamimili sa katangi-tanging first-store economy.

Hanggang noong 2018, ang konsumo ay naging unang lakas-panulak ng kabuhayang Tsino, nitong nakalipas na 5 taong singkad. Noong unang hati ng taong ito, lumampas sa 60% ang contribution rate ng konsumo sa paglago ng kabuhayang Tsino. Sanhi ng walang humpay na pagtaas ng kita, lumalakas ang mithiin ng mga mamamayan sa konsumo, at kaakit-akit sa mga mamimili ang de-kalidad na produkto at serbisyo ng mga bahay-kalakal na Tsino.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>