Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Beijing International Horticultural Exhibition, ipininid

(GMT+08:00) 2019-10-10 11:04:52       CRI
Ipininid kagabi, Miyerkules, ika-9 ng Oktubre 2019, ang Beijing International Horticultural Exhibition.

Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagpipinid, sinabi ni Premyer Li Keqiang ng Tsina, na sa ilalim ng temang "Live Green, Live Better," itinanghal sa eksibisyong ito ang mga maunlad na teknolohiya sa larangan ng mundong hortikultural, at ipinakikita nito ang kagandahan ng maharmonyang pakikipamuhayan ng sangkatauhan at kalikasan.

Ipinahayag din ni Li, na habang pinapaunlad ang kabuhayan, lubos ding pinapalakas ng Tsina ang pangangalaga sa ekolohiya at kapaligiran, para isakatuparan ang sibilisadong pag-unlad, na may maunlad na kabuhayan, mabuting pamumuhay ng mga mamamayan, at mainam na ekolohiya. Aniya pa, patuloy at aktibong lalahok ang Tsina sa pandaigdig na kooperasyon sa pagharap sa pagbabago ng klima, at nakahanda rin itong tulungan ang mga umuunlad na bansa sa pagpapasulong ng green economy.

Sa seremonya ng pagpipinid, ipinahayag naman nina Vicente Loscertales, Pangkalahatang Kalihim ng Bureau of International Expositions, at Bernard Oosterom, Presidente ng International Association of Horticultural Producers, ang pagbati sa matagumpay na pagdaraos ng Beijing International Horticultural Exhibition. Hinahangaan din nila ang mga natamong bunga ng Tsina sa pangangalaga sa ekolohiya at kapaligiran.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>