Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Beijing International Horticultural Exhibition, lubos na hinahangaan

(GMT+08:00) 2019-10-10 11:07:00       CRI
Ang Beijing International Horticultural Exhibition na ipininid kagabi, Miyerkules, ika-9 ng Oktubre 2019, ay hinahangaan ng mga personahe mula sa loob at labas ng Tsina.

Ayon sa estadistika ng lupong tagapag-organisa ng eksibisyong ito, sapul nang buksan noong katapusan ng nagdaang Abril ng taong ito, lumampas sa 9 na milyon ang bilang ng mga turista sa eksibisyon, at nagtanghal dito ang 110 bansa at organisasyong pandaigdig.

Sinabi ni Jiang Zehui, Pangalawang Direktor ng nasabing lupong tagapag-organisa, na ang eksibisyong ito ay nakakatulong sa pagpapalaganap ng ideya ng ekolohikal na sibilisasyon, pagpapasulong ng green growth, at pagpapalakas ng pandaigdig na pagpapalitan at pagtutulungan sa larangan ng hortikultura.

Sinabi naman ni Bernard Oosterom, Presidente ng International Association of Horticultural Producers, na lubos na matagumpay ang kasalukuyang eksibisyon, at mabuting ipinakita ng eksibisyon ang tema nitong "Live Green, Live Better."

Ipinahayag naman ni Vicente Loscertales, Pangkalahatang Kalihim ng Bureau of International Expositions, ang positibong pagtasa sa paggamit ng lugar ng eksibisyong ito sa hinaharap bilang demonstration area ng ekolohikal na sibilisasyon, destinasyong panturista, at pasilidad ng 2022 Beijing Winter Olympics at Paralympics. Ito aniya ay isa sa mga mahalagang pamana ng eksibisyon.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>