Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

CRI Komentaryo: Mabuting pandaigdig na lakas na kompetetibo ng Tsina, paborable sa kabuhayang pandaigdig

(GMT+08:00) 2019-10-10 15:53:56       CRI
Inilabas kahapon, Miyerkules, ika-9 ng Oktubre 2019, ng World Economic Forum (WEF) ang taunang Global Competitiveness Report. Ayon sa ulat, sa taong ito, ang komprehensibong iskor ng pandaigdig na lakas na kompetetibo ng Tsina ay mas malaki ng 1.3 kumpara sa nagdaang taon. Ipinakikita nitong pinananatili ng Tsina ang mabuting pandaigdig na lakas na kompetetibo.

Ang malaking pamilihan at matatag na makro-ekonomiya ay pundasyon ng pagpapanatili ng Tsina ng pandaigdig na lakas na kompetetibo, at ang lumalakas na kakayahan sa inobasyon ng bansa ay nagbibigay din ng positibong elemento. Ayon sa naturang ulat, ang iskor ng Tsina sa aspekto ng saklaw ng pamilihan ay 100, at ito ay nasa unang puwesto sa daigdig. 98.8 naman ang iskor ng bansa sa aspekto ng katatagan ng makro-ekonomiya. Samantala, ang iskor ng Tsina sa aspekto ng kakayahan sa inobasyon ay nasa ika-24 na puwesto ng daigdig, at ang iskor naman sa aspeko ng pananaliksik at pagdedebelop ay pumasok sa pinakamataas na 10.

Muling ipinakikita ng kasalukuyang ulat ang kahalagahan ng pagbubukas at pagtutulungan. Nitong mga taong nakalipas, buong tatag at di-nagbabagong isinasagawa ng pamahalaang Tsino ang patakaran ng pagbubukas sa labas, at iginigiit ang pagpapasulong ng kaunlaran sa pamamagitan ng inobasyon. Dahil sa mga ito, ang kabuhayang Tsino ay nagiging pangunahing lakas na tagapagpasulong ng paglaki ng kabuhayang pandaigdig, at tuluy-tuloy itong nagbibigay ng mga positibong elemento sa kabuhayang pandaigdig na kinakaharap ang mga elemento ng kawalang-katatagan.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>