Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Biyahe ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Nepal, lubos na pinananabikan

(GMT+08:00) 2019-10-10 15:27:30       CRI

Sa isang panayam kamakailan, sinabi ni Leela Mani Paudyal, Embahador ng Nepal sa Tsina, na magiging historikal ang gagawing dalaw-pang-estado ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Nepal. Aniya, tiyak na dadalhin ng biyaheng ito ang relasyon ng dalawang bansa sa mas malawak na kinabukasan.

Sinabi ni Paudyal na mahaba ang kasaysayan ng relasyon ng Tsina at Nepal, at madalas ang pagdadalawan sa mataas na antas ng dalawang bansa. Bukod dito, walang humpay na lumalalim ang pagpapalitan ng dalawang panig sa mga larangang gaya ng kabuhayan, lipunan, at kultura. Lubos na nananabik ang kanyang bansa sa nasabing biyahe ni Xi, dagdag pa niya.

Ipinatalastas Miyerkules, Oktubre 9, 2019 ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa paanyaya nina Punong Ministro Narendra Modi ng India at Pangulong Vidya Devi Bhandari ng Nepal, magkahiwalay na pupunta si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa India para dumalo sa Ikalawang Di-pormal na Pagtatagpo ng mga Lider ng Tsina at India, at magsasagawa ng dalaw-pang-estado sa Nepal mula Oktubre 11 hanggang 13.

Salin: Lito

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>