Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tinututulan ng Tsina ang paglalagay ng Amerika sa mga public security bureaus ng Xinjiang sa entity list

(GMT+08:00) 2019-10-10 11:48:40       CRI

Mahigpit na kinondena at buong tatag na tinututulan ng Tanggapan sa Paglaban sa Terorismo ng Tsina ang Amerika matapos ilagay ang mga Kawanihan ng Seguridad na Pampubliko ng Xinjiang sa entity list. Hinimok ng Tsina ang Amerika na agarang konselahin ang mga maling kapasiyahan at igitil ang pakikialam sa mga suliraning panloob ng Tsina.

Tinukoy ng Tanggapan sa Paglaban sa Terorismo na kinakaharap ng Xinjiang ang banta mula sa terorismo, ang mga hakbangin na isinagawa ng Xinjiang ay naglalayong pigilin ang ekstrimismo at terorismo. Ito'y angkop sa batas ng Tsina at naaayon sa pandaigdigang panuntunan. Ang mga Kawanihan ng Seguridad na Pampubliko ng Xinjiang ay nagsakatuparan ng obligasyon ayon sa batas, na nagdulot ng suporta sa mga mamamayan at nagbigay ng ambag para sa usapin ng paglaban sa terorismo ng daigdig. Sa kasalukuyan, maunlad ang kabuhayan ng Xinjiang at matatag ang lipunan sa Xinjiang.

Sinabi din ng Tanggapan ng Paglaban sa Terorismo na ang suliranin ng Xinjiang ay suliranin ng Tsina, walang kapangyarihan ang anumang bansa na makialam dito. Ang ginawa ng Amerika ay matingding lumabag sa pundamental na prinsipyo ng relasyong pandaigdig, at nakapinsala sa relasyon ng Tsina at Amerika. Patuloy na isasagawa ng Tsina ang malakas na hakbangin para sa paglaban sa terorismo, upang buong tatag na mapangalagaan ang soberanya ng bansa, kaligtasan, at kapakanan ng pag-unlad.

Sa katwirang "pagmamaltrato sa mga Muslim ethnic minorities sa Rehiyong Awtonomo ng Uygur ng Xinjiang ng Tsina, inilakip Martes, Oktubre 8, 2019 (Oktubre 7, 2019 sa Eastern Standard Time ng Amerika) ng Bureau of Industry and Security (BIS) ng Amerika ang 28 organo at bahay-kalakal ng Tsina sa "Entity List."

Salin:Sarah

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>