Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Resepsyon bilang pagdiriwang sa Ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Rusya at Samahan ng pagkakaibigan ng Tsina at Rusya, idinaos

(GMT+08:00) 2019-10-10 11:50:09       CRI

Idinaos Oktubre 9,2019, sa Great Hall of the People dito sa Beijing, ang resepsyon bilang pagdiriwang sa Ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Rusya at Samahan ng pagkakaibigan ng Tsina at Rusya. Magkakasamang itinaguyod ang resepsyon ng Chinese People's Association For Friendship With Foreign Countries, Samahan ng Tsina at Rusya sa Pagkakaibigan,Kapayapaan at Pag-unlad, Samahan ng Pagkakaibigan ng Tsina at Rusya. Lumahok sa resepsyon sina Li Zhanshu , Pirmihang Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina at Tagapangulong Pirimihang Lupon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina, at Embahador Andrey Denisov ng Rusya sa Tsina.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Li na noong Hunyo ng taong ito, magkakasamang ipinatalastas ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina at kanyang counterpart na si Vladmir Putin ng Rusya ang pagpapaunlad ng komprehensibong estratehikong partnership sa bagong panahon ng Tsina at Rusya, na naging modelo ng kooperasyon ng mga malalaking bansa. Umaasa siyang patuloy na magsisikap ang mga mamamayan ng dalawang bansa para magbigay ng bagong ambag para sa pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa.

Ipinahayag ni Andrey Denisov na nakahanda ang Rusya na patuloy na magsikap, kasama ng Tsina, para pasulungin ang pagtatamo ng bagong bunga ng relasyon ng dalawang bansa.

Salin:Sarah

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>