Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Xi Jinping ng Tsina: dadalaw sa Timog Asya

(GMT+08:00) 2019-10-10 11:51:21       CRI

Sa panayaya nina Punong Ministrong Narendra Modi ng India at Pangulong Vidya Devi Bhandari ng Nepal, mula ika-11 hanggang ika-13 ng Oktubre, sa magkahiwalay na okasyon, pupunta si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa India at lalahok sa Ikalawang Di-pormal na Pagtatagpo ng mga Lider ng Tsina at India; at magsasagawa siya ng dalaw-pang-estado sa Nepal.

Sa news briefing na idinaos Oktubre 9, 2019, ipinahayag ni Luo Zhaohui, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina na, ang naturang pagdalaw ni Pangulong Xi ay tiyak na magdudulot ng bagong puwersang tagapagpasulong para sa relasyon ng Tsina at India, relasyon ng Tsina at Nepal, at relasyon ng Tsina at mga bansang Timog Asya. Magbibigay din ito ng bagong ambag para sa kapayapaan at kasaganaan ng rehiyon at daigdig.

Sinabi ni Luo na ang kooperasyon ng Tsina at India ay hindi lamang makakabuti sa pag-unlad ng dalawang bansa, kundi makakabuti rin sa pangangalaga sa komong kapakanan ng mga umuunlad na bansa.

Ipinahayag din ni Luo na ito ang kauna-unahang pag-dalaw ng lider ng Tsina sa Nepal nitong nakaraang 23 taon, na tiyak na magdudulot ng epektong pangkasaysayan.

Salin:Sarah

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>