|
||||||||
|
||
Nakipagtagpo kahapon, Sabado, ika-12 ng Oktubre 2019, sa Kathmandu, kabisera ng Nepal, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, kay Sher Bahadur Deuba, Pangulo ng Nepali Congress Party.
Binigyan ni Xi ng mataas na pagtasa ang mahalagang ambag na ginawa ng Nepali Congress Party para sa pag-unlad ng relasyon ng Tsina at Nepal. Dagdag niya, bilang matalik na magkapitbansa, dapat panatilihin ng Tsina at Nepal ang katatagan ng kanilang relasyong pangkaibigan.
Salin: Liu Kai
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |