Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pag-aangkat at pagluluwas ng Tsina noong unang 3 kuwarter, lumaki ng 2.8%

(GMT+08:00) 2019-10-14 15:09:26       CRI

Ayon sa estadistika ng adwana, noong unang tatlong kuwarter ng kasalukuyang taon, umabot sa 22.91 trilyong yuan RMB ang kabuuang halaga ng pag-aangkat at pagluluwas ng kalakalang panlabas ng Tsina, at ito ay lumaki ng 2.8% kumpara sa gayun ding panahon ng nagdaang taon. Kabilang dito, 12.48 trilyong yuan RMB ang pagluluwas, na lumaki ng 5.2%; 10.43 trilyong yuan RMB naman ang pag-aangkat, na bumaba ng 0.1%. Umabot sa 2.05 trilyong yuan RMB ang trade surplus, at ito ay lumawak ng 44.2%.

Ipinahayag nitong Lunes, Oktubre 14, 2019 sa Beijing ni Li Kuiwen, Tagapagsalita ng Pangkalahatang Administrasyon ng Adwana ng Tsina, noong unang tatlong kuwarter ng taong ito, nanatiling matatag sa kabuuan ang takbo ng kalakalang panlabas ng Tsina. Umabot sa 3.57 trilyong yuan RMB at 3.14 trilyong yuan ang pag-aangkat at pagluluwas ng bansa sa Unyong Europeo (EU) at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), unang dalawang pinakamalaking trade partner ng Tsina, at ito ay lumaki ng 8.6% at 11.5%, ayon sa pagkakasunud-sunod.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>