Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Panig Tsino, nanawagan sa Turkey na itigil ang pananalakay at bumalik sa landas ng pulitikal na solusyon

(GMT+08:00) 2019-10-15 17:37:38       CRI

Nanawagan nitong Martes, Oktubre 15, 2019 si Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, sa Turkey na itigil ang aksyong militar, at bumalik sa tumpak na landas ng paglutas sa mga isyu sa pamamagitan ng paraang pulitikal.

Ayon sa ulat, sapul nang ilunsad ng Turkey ang aksyong militar sa hilagang silangan ng Syria noong Oktubre 9, nagbunga ito ng maraming human casualty sa lokalidad.

Dagdag ni Geng na palagiang tinututulan ng panig Tsino ang paggamit ng sandata sa relasyong pandaigdig, at naninindigang dapat totohanang sundin ng iba't ibang panig ang simulain ng "Karta ng United Nations (UN)" at pundamental na norma ng relasyong pandaigdig, at lutasin ang mga problama sa loob ng balangkas ng pandaigdigang batas, sa pamamagitan ng paraang pulitikal at diplomatiko. Aniya, dapat igalang at pangalagaan ang soberanya, pagsasarili, unipikasyon at kabuuan ng teritoryo ng Syria.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>