Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pagpapadala ng abuloy ng PM na Hapones sa Yasukuni Shrine, tinututulan ng Tsina

(GMT+08:00) 2019-10-17 17:25:53       CRI
Kaugnay ng pagpapadala ngayong araw, Huwebes, ika-17 ng Oktubre 2019, ni Punong Ministro Shinzo Abe ng Hapon ng abuloy sa Yasukuni Shrine, at pagbibigay-galang naman doon ng ilang miyembro ng gabinete at parliamento ng naturang bansa, sinabi nang araw ring iyon ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ito ay negatibong aksyon ng panig Hapones sa isyu ng Yasukuni Shrine. Nagharap na aniya ang panig Tsino ng solemnang representasyon sa panig Hapones.

Dagdag ni Geng, ang Yasukuni Shrine ay simbolo ng paglulunsad ng mga militaristang Hapones ng digmaang mapanalakay sa ibang mga bansa noong World War II, at nakadambana doon ang mga kriminal ng naturang digmaan. Aniya, muling ipinakikita ng kasalukuyang mga aksyon ng mga opisyal na Hapones ang maling pakikitungo ng Hapon sa kasaysayan ng pananalakay nito.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>