Sa pagtataguyod ng Academy of Contemporary China and World Studies, inilabas ngayong araw, Biyernes, ika-18 ng Oktubre 2019, sa Beijing, ang pinakahuling ulat ng pandaigdig na survey hinggil sa pambansang imahe ng Tsina.
Ayon sa ulat, ipinalalagay ng 65% ng mga kinapanayam sa ibayong dagat, na patuloy na lalakas ang katayuang pandaigdig ng Tsina at impluwensiya nito sa buong mundo. Samantala, siyensiya't teknolohiya, kabuhayan, at kultura ay tatlong aspekto ng Tsina na binigyan ng positibong pagtasa ng pinakamaraming kinapanayam.
Ang naturang survey ay isinagawa sa 22 bansa ng daigdig, at kinapanayam ang 11 libong tao.
Salin: Liu Kai