Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Netong tubo ng Central SOEs ng Tsina, lumaki ng 7.4% noong unang 3 kuwarter

(GMT+08:00) 2019-10-18 10:05:56       CRI

Ayon sa pinakahuling datos na ipinalabas nitong Huwebes, Oktubre 17 ng State-owned Assets Supervision and Administration Commission (SASAC) ng Tsina, noong unang tatlong kuwarter ng taong ito, lumampas sa 1.05 trilyong yuan RMB ang netong tubo ng mga Sentral na Bahay-kalakal na Ari ng Estado (Central SOEs). Ito ay mas mataas ng 7.4% kumpara sa gayunding panahon ng taong 2018. Samantala, umabot sa 22.1 trilyong yuan RMB ang kita ng nasabing mga bahay-kalakal na Tsino. Mas malaki ito ng 5.3% kumpara sa gayunding panahon ng taong 2018.

Kabilang dito, ang mga central SOE sa mga larangan na gaya ng power generation, konstruksyon, at transportasyon ay kinakitaan ng mabilis na paglaki ng tubo. Kasabay nito, kapansin-pansin ding lumaki ng 25% ang laang gugulin sa pananaliksik at pag-unlad (R&D) ng mga central SOE, partikular na ng mga bahay-kalakal mula sa mga sektor ng national grid, at telekomunikasyon.

Salin: Jade
Pulido: Rhio

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>