Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tsina, nagharap ng solemnang representasyon sa Amerika tungkol sa paghadlang nito sa normal na gawain ng mga diplomatang Tsino

(GMT+08:00) 2019-10-18 09:30:46       CRI

Sinabi nitong Huwebes, Oktubre 17, 2019 ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na iniharap ng Kagawaran ng Estado ng Estados Unidos ang karagdagang kahilingan hinggil sa pagsasagawa ng mga diplomatang Tsino sa Amerika ng normal na gawain, at artipisyal na inilagay ang hadlang dito. Aniya, tinututulan ito ng panig Tsino, at iniharap na ang solemnang representasyon sa panig Amerikano.

Ayon sa ulat, humiling ang panig Amerikano sa mga diplomatang Tsino sa Amerika na bago makipagtagpo sa mga opisyal na lokal, dapat maagang ipaalam ito sa Kagawaran ng Estado. Sinabi ng panig Amerikano na ito ay katugong hakbangin sa kaukulang kilos ng panig Tsino.

Kaugnay nito, ipinahayag ni Geng na palagiang kinakatigan ng panig Tsino ang pagsasagawa ng mga diplomatang Amerikano ng normal na gawain sa Tsina, at ipinagkakaloob ang kinakailangang ginhawa rito. Walang batayan aniya ang umano'y pananalitang humahadlang ang Tsina sa mga aktibidad ng mga diplomatang Amerikano. Hinimok ni Geng ang panig Amerikano na iwasto ang kamalian, alisin ang kaukulang kapasiyahan, at ipagkaloob ang suporta at ginhawa sa pagsasagawa ng mga diplomatang Tsino ng kaukulang aktibidad sa Amerika, sa halip na artipisyal na paghadlang.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>