Ayon sa estadistikang inilabas nitong Huwebes, Oktubre 17, 2019 ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, mula noong Enero hanggang Setyembre ng kasalukuyang taon, mahigit 683 bilyong yuan RMB ang puhunang dayuhang aktuwal na ginamit ng Tsina, at ito ay lumaki ng 6.5% kumpara sa gayung din panahon ng tinalikdang taon. Patuloy na nanatiling mataas ang paglaki ng puhunang dayuhang nakuha ng industriya ng hay-tek, at lumaki ito ng 39.8%, ayon pa sa estadistika.
Samantala, aktuwal na ginamit ng industriya ng hay-tek na pagyari ang 74.6 bilyong yuan RMB, at ito ay lumaki ng 13.7%. Umabot naman sa 129.2 bilyong yuan RMB ang puhunang dayuhang aktuwal na ginamit ng industriya ng hay-tek na serbisyo, at ito ay lumaki ng 61.3%.
Kabilang sa mga pangunahing pinanggagalingan ng pamumuhunan, lumaki ng 14.9% at 17.5% ang halaga ng puhunang aktuwal na inilaan ng mga bansa sa kahabaan ng Belt and Road at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), ayon sa pagkakasunud-sunod.
Salin: Vera