Ipinahayag nitong Lunes, Oktubre 28, 2019 sa Twitter ni Donald Tusk, Pangulo ng European Council, na sinang-ayunan na ng 27 kasaping bansa ng Unyong Europeo (EU) ang aplikasyong iniharap ng Britanya para ipagpaliban ang pagkalas nito sa EU (Brexit) sa Enero 31, 2020.
Noong Oktubre 19, pinagtibay ng Mababang Kapulungan ng Britanya ang isang amendment kung saan hindi lamang ipinagpaliban ang pagboto sa napagkasunduan ni Punong Ministro Boris Johnson ng Britanya at EU, kundi napilitan din si Johnson na magpadala ng liham sa EU para ipahayag ang intensyon para sa muling pagpapaliban ng "Brexit."
Salin: Lito