Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pandaigdigang simposyum tungkol sa relasyong Sino-Amerikano, idinaos sa Singapore

(GMT+08:00) 2019-10-31 10:02:31       CRI

Singapore — Isang pandaigdigang simposyum na pinamagatang "Relasyong Sino-Amerikano: Paglikha ng Komong Prospek Para sa Pag-unlad ng Asya at Daigdig" ang binuksan nitong Miyerkules, Oktubre 30, 2019. Dumalo rito ang halos isang daang kinatawan mula sa Tsina, Amerika, mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), mga bansa ng Unyong Europeo (EU), at iba pang bansa para talakayin ang tungkol sa impluwensiyang dala ng relasyong Sino-Amerikano sa buong daigdig. Ipinalalagay ng mga kalahok na ang koordinado, koopratibo, at matatag na relasyong Sino-Amerikano ay nagbibigay ng malaking pakinabang sa daigdig.

Sa kanyang talumpati, tinukoy ni Goh Chok Tong, Emeritus Senior Minister ng Singapore, na nakikinabang ang daigdig sa mapayapang pakikipamuhayan ng Tsina at Amerika, at idudulot ng maigting na relasyong Sino-Amerikano ang kalamidad sa daigdig.

Salin: Lito

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>