Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Ika-4 na sesyong plenaryo ng ika-19 na Komite Sentral ng CPC, ipininid

(GMT+08:00) 2019-10-31 21:20:16       CRI

Ipininid ngayong araw, Huwebes, ika-31 ng Oktubre 2019, sa Beijing, ang ika-4 na sesyong plenaryo ng ika-19 na Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC). Pagkaraan ng 4-araw na sesyon, isang komunike ang inilabas.

Ayon sa komunike, bumigkas ng talumpati sa sesyon si Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC. Pinakinggan at tinalakay din sa sesyon ang work report na ginawa niya.

Sinuri at pinagtibay sa sesyon ang desisyon ng Komite Sentral ng CPC hinggil sa ilang mahalagang isyu ng paggigiit at pagpapabuti ng sistema ng sosyalismong may katangiang Tsino, at pagpapasulong ng modernisasyon ng sistema at kakayahan sa pamamahala ng estado. Ipinaliwanag ni Xi sa sesyon ang hinggil sa burador na dokumentong may kinalaman dito.

Ayon sa komunike, ang sistema ng sosyalismong may katangiang Tsino ay isang siyentipikong sistemang idinebelop ng CPC at mga mamamayang Tsino sa pamamagitan ng kanilang matagal na praktika at paggagalugad.

Ang lahat ng mga gawain at aktibidad ng pamamahala sa estado ay isinasagawa batay sa sistema ng sosyalismong may katangiang Tsino. Ang sistema at kakayahan sa pamamahala ng bansa ay pagpapakita ng naturang sistema at kakayahan nito sa pagpapatupad, at mayroon itong bentahe sa mga aspektong gaya ng paggarantiya sa katatagang pulitikal, pagiging panginoon ng mga mamamayan sa mga suliranin ng estado, pagbubuklod ng mga puwersa para sa pagsasagawa ng malalaking tungkulin, at iba pa.

Ayon sa komunike, iniharap sa sesyon ang pangkalahatang target sa paggigiit at pagpapabuti ng sistema ng sosyalismong may katangiang Tsino, at pagpapasulong ng modernisasyon ng sistema at kakayahan sa pamamahala ng estado. Una, sa 2021 na ika-100 anibersaryo ng pagkakatatag ng CPC, dapat maging mas hinog at kumpleto ang sistema ng Tsina sa iba't ibang aspekto. Ikalawa, sa 2035, isasakatuparan sa kabuuan ang modernisasyon ng sistema at kakayahan sa pamamahala ng estado. At ikatlo, sa 2049 na ika-100 anibersaryo ng pagkakatatag ng Republika ng Bayan ng Tsina, komprehensibong isasakatuparan sa kabuuan ang modernisasyon ng sistema at kakayahan sa pamamahala ng estado, at ipapakita ang mga bentahe ng sistema ng sosyalismong may katangiang Tsino.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>