Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tsina, nakahandang pasulungin ang relasyon sa Kazakhstan sa bagong lebel—Premyer Li

(GMT+08:00) 2019-11-03 11:05:34       CRI

Tashkent, Uzbekistan—Nakipagtagpo nitong Sabado, Nobyembre 2, 2019 si Premyer Li Keqiang ng Tsina kay Askar Mamin, Punong Ministro ng Kazakhstan na kalahok sa Pulong ng Konseho ng Puno ng Pamahalaan (Punong Ministro) ng Shanghai Cooperation Organization (SCO).

Saan ni Li, nananatiling mainam ang tunguhin ng pag-unlad ng relasyon ng Tsina at Kazakhstan. Aniya, malakas ang pagkokomplemento ng dalawang bansa, at napakalaki ng nakatagong lakas ng pag-unlad. Nakahanda ang Tsina na pasulungin ang pagsasakatuparan ng kooperasyon ng kapuwa panig sa iba't ibang larangan ng sustenableng pag-unlad, walang humpay na palakasin ang kalakalan, palalimin ang kooperasyon sa mga larangang gaya ng enerhiya, production capacity at iba pa, ayon sa mga simulain ng pagsasapamilihan, at pasulungin ang pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa sa bagong antas, dagdag ni Li.

Ipinahayag naman ni Mamin na mabilis na umuunlad ang relasyong Sino-Kazakh, at walang humpay na lumalaki ang halaga ng bilateral na kalakalan. Nakahanda aniya ang kanyang bansa na palakasin ang pakikipagtulungan sa panig Tsino sa iba't ibang larangan, at pasulungin ang pagtatamo ng bilateral na relasyon ng mas maraming resultang may mutuwal na kapakinabangan at win-win result.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>