![]( /mmsource/images/2019/11/04/31ddde98ff1d47b1a34efefc67fed0f0.jpg)
Ipinagdiinan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang kahalagahan ng pagpapalakas ng kakayahan sa pangangasiwa sa mga modernong malalaking lunsod ng bansa. Winika ito ni Xi sa kanyang paglalakbay-suri sa Shanghai, economic hub sa dakong silangan ng bansa nitong nagdaang Sabado at Linggo.
Kabilang sa mga pangunahing lugar na pinuntahan ni Xi ang Yangshupu Waterworks sa Yangpu District, at isang komunidad na lokal na may residente mula sa mahigit 50 bansa't rehiyon.
![]( /mmsource/images/2019/11/04/049d76b724fd48d3a907cb9d603ff4b2.jpg)
![]( /mmsource/images/2019/11/04/a2650b71920c4840a36ea36ab52e0940.jpg)
Ipinahayag ni Xi ang kahalagahan ng pagbalanse ng pangangalaga sa kapaligiran at kaunlaran, at pagpapanatili ng mga makasaysayang arkitektura at katangian ng lunsod. Ang makasaysayang arkitektura, tulad ng matatanda, ay kailangang pakitunguhan nang mainam, diin ni Xi. "Ang mga lunsod ay itinatag ng mga mamamayan, at para sa mga mamamayan," dagdag pa ni Xi. Dapat aniyang ipauna ang pangangailangan at kapakinabangan ng mga mamamayan ang pagpaplano at pagpapaunlad ng mga siyudad.
Ipinagdiinan din ni Xi ang pangangailangan ng pagpapabilis ng reporma't pagbubukas sa labas at pagpapasulong ng modernong kabuhayan, sa proseso ng malalim na pag-aaral at pagpapatupad sa diwa ng kapipinid na ika-apat na sesyong plenaryo ng ika-19 na Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC).
Salin: Jade