Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Premyer Tsino, nanawagang magkakasamang magsikap para mapanatili ang kooperasyon ng Silangang Asya sa tumpak na landas

(GMT+08:00) 2019-11-05 11:39:23       CRI

Bangkok, Thailand—Dumalo nitong Lunes ng hapon, Nobyembre 4, 2019 si Premyer Li Keqiang ng Tsina sa Ika-14 na East Asia Summit (EAS).

Ipinahayag ni Li na ang mga di-matatag at di-tiyak na elemento sa kalagayang pandaigdig ay nagdulot ng negatibong epekto sa rehiyon ng Silangang Asya, at naging mas pangkagipitan at mahirap ang misyon sa pagharap sa mga bagong panganib at hamon, pagpapanatili ng matatag na paglago ng kabuhayan, at pangangalaga sa kapayapaan at kaunlaran.

Iniharap din niya ang sumusunod na ilang mungkahi:

Una, dapat igiit ang kooperasyon at win-win situation, at magkasamang itatag ang bukas na kabuhayang pandaigdig;

Ika-2, dapat igiit ang pagpapauna ng kaunlaran, at isakatuparan ang komong kasaganaan;

Ika-3, dapat igiit ang kooperasyon sa di-tradisyonal na seguridad, at pangalagaan ang komong seguridad.

Diin ni Li, nitong nakalipas na maraming taon, tuluy-tuloy na nagpunyagi ang Tsina at mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) para mapangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng South China Sea, at walang humpay silang nagkaroon ng mga komong palagay. Aniya, may kakayahan at katalinuhan ang mga bansa sa loob ng rehiyon para matapos ang pagtatakda ng Code of Conduct (COC) in the South China Sea, at magkasamang pangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng karagatang ito. Dapat igalang at katigan ng mga bansa sa labas ng rehiyon at mga panig na walang kinalaman sa isyu ng South China Sea ang pagsisikap ng mga bansa sa loob ng rehiyon.

Pawang ipinahayag ng mga kalahok na lider na sa ilalim ng bagong kalagayan, dapat pahigpitin ng iba't ibang panig ang pagtitiwalaan, palawakin ang kooperasyon, pasulungin ang sustenableng pag-unlad, at magkasamang harapin ang mga tradisyonal at di-tradisyonal na hamong gaya ng pagbabago ng klima, terorismo at iba pa. Umaasa rin silang mapapasulong ng iba't ibang panig ang kooperasyong pandagat, maayos na makokontrol ang alitan sa pamamagitan ng diyalogo't pagsasanggunian, at magkasamang mapapangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng rehiyon.

Pinagtibay sa pulong ang pahayag hinggil sa sustenableng partnership, at narating ang dokumentong may kinalaman sa pagbibigay-dagok sa pagpupuslit ng droga at kooperasyon sa pagbibigay-dagok sa transnasyonal na krimen.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>