Mula ika-5 hanggang ika-10 ng Nobyembre, 2019, ginaganap sa Shanghai ang Ika-2 China International Import Expo (CIIE). Napag-alaman ng mamamahayag na mabungang mabunga ang natamo ng maraming eksibitor sa kasalukuyang CIIE, at lipos sila ng kompiyansa sa pamilihang Tsino.
Ang Sino-US Intercontinental Helicopter Investment Co., Ltd. ay isang kompanyang nagbebenta ng leonardo helicopters ng Italya. Ayon sa salaysay ni Zhang Longyun, Asistante ng Board Chairman ng kompanya, isang taon na ang nakararaan sapul nang lumahok sa unang CIIE, lampas sa 1 bilyon ang kabuuang halaga ng pagbebenta ng kanyang kompanya.
Ang Varian Medical Systems ay isang hay-tek na kompanya mula sa Estados Unidos. Mahigit 30 taon na sapul nang pumasok ito sa pamilihang Tsino. Ayon sa salaysay ni Zhang Xiao, Presidente ng Varian China, na noong nagdaang CIIE, nilagdaan ng kanyang kompanya ang intension sa kooperasyon na nagkakahalaga ng mahigit 800 milyong dolyares. Aniya, kasabay ng isang serye ng patakaran ng Tsina sa paglikha ng mas magandang kapaligirang pangnegosyo, lipos ng kompiyansa ang Varian sa pamumuhunan, pagdedebelop at pag-unlad nito sa Tsina.
Salin: Vera