Idinaraos kamakailan sa Shanghai ang Ika-2 China International Import Expo (CIIE). Sunod-sunod na itinatatanghal sa CIIE ng mga kalahok na kompanya ang kanilang pinakamabuting paninda para lumahok sa pamilihang Tsino, na lubos na nagpapakita ng malaking atraksyon ng Tsina: ang napakalaking kahilingan ng pagkokosumo na dulot ng 1.4 bilyong populasyon, napakataas na pasilidad na tulad ng mabuting imprastruktura at malakas na industriya ng lohistiko, mabuting kapaligiran ng kalakalan at masaganang yaman ng inobasyon.
Ang CIIE ay mahalagang hakbangin ng Tsina sa pagbubukas sa labas. Ayon sa plano, lalampas ng 3 trilyon dolyares at 1 trilyong dolyares ang umaangkat na paninda at serbisyo ng Tsina. Walang duda, ang isang bukas na pamilihang Tsino ay tiyak na lilikha ng mas maraming pagkakataong komersyal at benepisyo para sa buong mundo, at magdudulot ng mas malakas na puwersang tagapagpasulong para sa paglaki ng kabuhang pandaigdig.
Salin:Sarah