Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Xi Jinping, ipinagdiinan ang pagtatatag ng primera klaseng hukbong panghimpapawid sa daigdig

(GMT+08:00) 2019-11-09 13:17:19       CRI

Ipinagdiinan nitong Biyernes, Nobyembre 8, 2019 ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), Tagapangulo ng Central Military Commission ng CPC at Pangulo ng bansa, na buong sikap na itatatag ang Hukbong Panghimpapawid ng People's Liberation Army (PLA) bilang primera klaseng hukbo sa daigdig.

Winika ito ni Xi sa kanyang pagdalo sa aktibidad bilang pagdiriwang sa ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng Hukbong Panghimpapawid ng PLA.

Tinukoy ni Xi na nitong nakalipas na 70 taon, sa ilalim ng pamumuno ng CPC, kapansin-pansing tagumpay ang natamo ng mga opisyal at sundalo ng hukbong panghimpapawid, sa aspekto ng konstruksyon ng hukbo, at napakalaking ambag ang ginawa nila para sa pangangalaga sa soberanya, seguridad at kapakanang pangkaunlaran ng bansa. Aniya, ang Hukbong Panghimpapawid ng PLA ay mapagkakatiwalaang hukbo ng partido at mga mamamayan.

Bumisita rin si Xi sa pagtatanghal bilang pagdiriwang sa okasyong ito.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>