Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tsina, nagpahayag ng kawalang-kasiyahan at pagtutol sa pagdungis ni Pompeo sa sistemang pulitikal ng Tsina

(GMT+08:00) 2019-11-09 17:27:44       CRI

Sa regular na preskong nitong Biyernes, Nobyembre 8, 2019, nagpahayag si Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina ng matinding kawalang-kasiyahan at matatag na pagtutol ng panig Tsino sa pagdungis ni Mike Pompeo, Kalihim ng Estado ng Estados Unidos, sa sistemang pulitikal ng Tsina, at pagpapalaganap ng umano'y pagiging banta ng Tsina.

Sa panahon ng kanyang pagdalaw sa Alemanya, sinabi nitong Huwebes ni Pompeo na alang-alang sa hamong dulot ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), naging napakasalimuot ang isyu ng konstruksyon ng network ng telekomunikasyon ng Alemanya.

Saad ni Geng, sa mula't mula pa'y kumakatawan at buong tatag na nangangalaga ang CPC sa kapakanan ng mga mamamayang Tsino, at taos-pusong nagtitiwala't kumakatig sa CPC ang mga mamamayang Tsino. Aniya, tiyak na mabibigo ang anumang pananalita at aksyon ng pagpapawatak-watak ng mga mamamayang Tsino at CPC.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>