Ipinadala ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mensaheng pambati sa 2019 Pandaigdig na Porum hinggil sa Pangangasiwa Alinsunod sa Batas ng Tsina, na binuksan ngayong araw, Linggo, ika-10 ng Nobyembre 2019, sa Guangzhou, lunsod sa timog bansa.
Positibo si Xi sa tema ng porum na ito na "pagpapalalim ng pandaigdig na kooperasyon sa pangangasiwa alinsunod sa batas bilang paglilingkod sa pandaigdig na kooperasyon ng Belt and Road Initiative. Umaasa aniya siyang palalakasin ng mga kalahok ang pagpapalitan, para pasulungin ang pagiging mas mabuti at kumpleto ng sistemang pambatas na may kinalaman sa pandaigdig na kooperasyon ng Belt and Road Initiative.
Kalahok sa porum na ito ang halos 400 kinatawan mula sa mahigit 40 bansa sa kahabaan ng Belt and Road, at 4 na organisasyong pandaigdig.
Salin: Liu Kai