Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga media ng Greece, nakatutok sa pagdalaw ng pangulong Tsino

(GMT+08:00) 2019-11-11 13:26:50       CRI

Dumating nitong Linggo ng gabi, Nobyembre 10, 2019 ng Eleftherios Venizelos International Airport, Greece si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, para pasimulan ang kanyang dalaw-pang-estado roon. Kaugnay nito, nakatutok sa nasabing pagdalaw ang mga pangunahing media ng Greece.

Ayon sa Athens News Agency, ipinahayag ni Pangulong Prokopis Pavlopoulos ng Greece na ang pagdalaw ni Xi ay magandang pagkakataon para sa ibayo pang pagpapalalim ng bilateral na relasyon, at makakapagpatingkad ng bagong lakas-panulak sa kooperasyon ng dalawang bansa sa iba't ibang larangang kinabibilangan ng pulitika, kabuhayan at kultura. Anito pa, ang pagbubukas ng bagong tsanel ng kalakalan at pagtatapos ng proyekto ng konektibidad ay makakapagpasulong sa ibayo pang pag-unlad ng relasyong pangkabuhaya't pangkalakalan ng dalawang bansa.

Tinukoy naman ng komentaryo ng pahayagang "Ta Nea" na kung gusto ng anumang bansa na makipagkooperasyon sa pamumuhunan sa malaking bansa, tulad ng Tsina, ang pinakamagandang paraan ay sumali sa konstruksyon ng Belt and Road.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>