Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Brazil, umaasang mapapalakas ang kooperasyong agrikultural sa Tsina sa pamamagitan ng summit ng BRICS

(GMT+08:00) 2019-11-11 13:32:54       CRI

Mula ika-13 hanggang ika-14 ng Nobyembre, 2019, idaraos sa Brasilia, kabisera ng Brazil, ang Ika-11 Summit ng Brazil, Rusya, India, Tsina at South Aprika (BRICS). Sa kanyang panayam sa China Media Group (CMG), ipinahayag ni Tereza Cristina, Ministro ng Agrikultura, Industriyang Pampastulan at Suplay ng Pagkain ng Brazil, ang pag-asang sa pamamagitan ng pagdaraos ng nasabing summit, ibayo pang mapapalakas ang kooperasyon ng kanyang bansa sa Tsina sa larangan ng agrikultura.

Aniya, sa panahon ng gaganaping summit ng BRICS, pasusulungin ng mga lider ng limang bansa ang kooperasyon sa maraming larangan, at ibayo pang palalalimin ang partnership sa larangan ng agrikultura at industriyang pampastulan.

Positibo si Cristina sa prospek ng mekanismo ng kooperasyon ng BRICS. Aniya, maaaring isakatuparan ng limang bansa ng BRICS ang komong kaunlaran sa iba't ibang larangan. Dagdag niya, ang pamumuhunan ng Tsina sa Brazil ay malaking nakapagpasulong sa pag-unlad sa konstruksyon ng imprastruktura, enerhiya at iba pang larangan. Walang humpay din aniyang lumalalim ang partnership ng dalawang bansa.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>