Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulo ng Tsina't Gresya, dumalaw sa Acropolis Museum

(GMT+08:00) 2019-11-13 08:19:13       CRI

Kasama nina Pangulong Prokopis Pavlopoulos at Unang Ginang Vlassia Pavlopoulou-Peltsemi ng Gresya, dumalaw sina Pangulong Xi Jinping at Unang Ginang Peng Liyuan ng Tsina sa Acropolis Museum, sa Athens, nitong Martes, Nobyembre 12, local time.

Ipinahayag ni Xi ang paghanga sa mga gusali at eskultura ng sinaunang Gresya bilang hiyas at simbolo ng sibilisasyong Kanluranin. Tingin niya, bilang kinatawan ng sibilisasyong Silanganin, kahit iba sa Gresya, ang Tsina ay mayroon ding mga obra maestra na pansining na may malalim na impluwensya sa sumunod na hene-henerasyon. Iminungkahi niyang pahigpitin ng dalawang bansa ang pagtutulungan sa pagkukumpuni, pangangalaga at pagbabalik ng mga pamanang pangkasaysayan at reliyang kultural.

Sinabi naman ni Pavlopoulos na ang pagdalaw ni Pangulong Xi sa Gresya ay nagbukas ng bagong kabanata sa ugnayan ng dalawang bansa. Ipinahayag din niya ang pasasalamat kay Xi sa paggalang at pagkaunawa sa kalinangan ng Gresya, bilang tulay ng ugnayan sa pagitan ng sibilisasyong Kanluranin at sibilisasyong Silanganin. Ipinahayag din niya ang malalim na paggalang sa makasaysayang sibilisasyon, modernisasyon, at matataas na pamantayang moral na iginigiit ng Tsina sa entabladong pandaigdig. Kung ang lahat ng mga bansa ay susunod sa nasabing mga pamantayan, ang landas sa hinaharap ng sangkatauhan ay magiging mas malawak, dagdag pa ni Pavlopoulos. Umaasa aniya siyang mapapalakas ng dalawang bansa ang pagpapalitan at pagtutulungan para sa kapayapaan at mas magandang kinabukasan ng sangkatauhan.

Salin: Jade
Pulido: Mac

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>