Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Xi Jinping, nanawagan sa business sector na magbigay ng ambag sa kabuhayan ng mga bansang BRICS

(GMT+08:00) 2019-11-14 11:21:49       CRI

Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagpipinid ng BRICS (Brazil, Russia, India, China, South Africa) Business Forum na ginanap nitong Miyerkules (local time), Nobyembre 13, 2019, sa Brasilia, Brazil, nanawagan si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa sirkulong industriyal at komersyal, na samantalahin ang partnership ng mga bansang BRICS sa bagong rebolusyong industriyal, para magbigay ng ambag sa de-kalidad na pag-unlad ng kabuhayan ng limang bansang ito.

Tinukoy ni Xi na nitong panahong nakalipas, lumitaw ang maraming pagbabago sa situwasyong pandaigdig, at dumarami nang sabay ang mga bagong pagkakataon at hamon. Umaasa aniya siyang sasamantalahin ng mga personahe sa sirkulong industriyal at komersyal ang pagkakataon at magkakasamang haharapin ang mga hamon para mapasulong ang kooperasyong pangkabuhayan ng mga bansang BRICS at makapagbigay ng aktuwal na ambag para sa pagpapasulong ng paglaki at paglilikha ng mga trabaho.

Ipinagdiinan pa ni Xi na ang pag-unlad ng Tsina ay nagsisilbing pagkakataon para sa buong daigdig. Aniya, hindi nagbabago ang determinasyon ng Tsina sa pagpapalawak ng pagbubukas. Ibayo pang bubuksan ng Tsina ang pamilihan nito, palalawakin ang pag-aangkat, at walang humpay na pabubutihin ang kapaligirang pangnegosyo, dagdag pa niya.

Halos 600 kinatawan mula sa sirkulong industriyal at komersyal ng mga bansang BRICS ang dumalo sa nasabing seremonya ng pagpipinid.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>