Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangalawang Pangulo ng Tsina, lumahok sa Ikalawang Paris Peace Forum

(GMT+08:00) 2019-11-14 11:26:51       CRI

Nakipagtagpo Nobyembre 11,2019, sa Élysée Palace ng Paris, Pransya, si Pangalawang Pangulong Wang Qishan ng Tsina, kay Pangulong Emmanuel Macron ng Pransya. Ipinahayag ni Wang na matagumpay ang dalaw-pang-estado ni Macron sa Tsina noong nakaraang linggo, at nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ang Pransya, para isakatuparan ang mga komong palagay na narating ng mga ilder ng dalawang bansa at pasulungin ang walang humpay na pag-unlad ng relasyon ng Tsina at Pransya, at ng Tsina at Europa.

Ipinahayag naman ni Macron na masayang nagpalitan sila ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ng mga palagay pinalalim ang pagkakaibigan at narating ang mga komong palagay. Buong tatag na pinapaunlad ng Pransya ang pangkaibigang relasyon sa Tsina at lalo pang pinapalakas ang aktuwal na pakikipagkooperasyon sa Tsina sa iba't ibang larangan.

Lumahok Nobyembre 12, 2019, si Wang sa Seremonya ng Pagbubukas ng Ikalawang Paris Peace Forum, at bumigkas siya ng talumpati. Dumalo din sa seremonya ang mga lider ng bansa, opisyal, namamahalang tauhan ng organisasyong panrehiyon at pandaigdig at iba pang tauhan.

Ang pagdaraos ng Paris Peace Forum ay itinaguyod ni Pangulong Macron ng Pransya noong 2018.

Sa panahog nasa Pransya, nakipagtagpo din si Wang Qishan kay Pangulong Stevo Pendarovski ng Republic of North Macedonia.

Salin:Sarah

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>