|
||||||||
|
||
Sa paanyaya ni Ali Abdel-Aal, Ispiker ng Parliamento ng Ehipto, opisyal na dumalaw sa Ehipto noong Ika-10 hanggang ika-13 ng buwang ito, si Wang Yang, Tagapangulo ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC).
Magkakahiwalay na nakipagtagpo si Wang kina Pangulong Abdel Fattah al Sisi ng Ehipto, Premiyer Mostafa Madbouly, at ispiker na si Ali Abdel-Aal. Sa pagtatagpo, pinarating ni Wang ang pagbati ni Pangulong Xi Jinping. Sinabi ni Wang na sa magkasamang pamumuno ng mga lider ng dalawang bansa, natamo na ng relasyon ng Tsina at Ehipto ang makasaysayang pag-unlad. Nakahanda ang Tsina na lalo pang pahihigpitin ang pakikipagpalitan sa Ehipto, palalalimin ang pagtitiwalaang pulitikal sa isa't isa, para pasulungin ang mas malaking pag-unlad ng komprehensibong estratehikong partnership ng Tsina at Ehipto.
Ipinahayag ng mga lider ng Ehipto na buong tatag na nananangan ang kanyang bansa sa patakarang Isang Tsina, umaasang lalo pang palalakasin ang pagpapalitang pangkaibigan ng dalawang bansa, at nakahandang ipagkaloob ang mas maraming ginhawa para sa mga kompanyang Tsino na palawakin ang pamumuhunan. Ang Tsina ay naging pinakamalaking trade partner ng Ehipto.
Sa panahon ng pagdalaw, nakipagtagpo si Wang sa ibang opisyal ng Ehipto at lumahok sa sereye ng aktibidad.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |