Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulo ng Tsina at Rusya, nagtagpo

(GMT+08:00) 2019-11-14 11:32:57       CRI

Nakipagtagpo Nobyembre 13, 2019, sa Brasilia ng Brazil, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Pangulong Vladmir Putin ng Rusya.

Tinukoy ni Xi na ang taong ito ay mahalagang taon para sa Tsina at Rusya, ang maringal na pagdiriwang sa Ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa ay nagpasulong ng relasyong Sino-Ruso sa bagong lebel na historikal. Binigyan-diin niya na dapat patuloy na magkasamang magsikap ang dalawang panig para panatilihin ang malusog at aktibong tunguhin ng pag-unlad ng relasyong Sino-Ruso, walang humpay na matamo ang bagong bunga para magdulot ng benepisyo para sa mga mamamayan ng dalawang bansa at buong daigdig.

Sinabi din ni Xi na masalimuot ang kasalukuyang kalagayang pandaigdig, dapat mahigpit na magkooperasyon ang Tsina at Rusya para mapangalagaan ang soberanya at kaligtasan ng bansa at magkasamang likhain ang makatuwirang kapaligirang pandaigdig . Dapat patuloy na palawakin ang bilateral na kalakalan, pasulungin ang pag-uugnay ng Belt and Road Initiative (BRI) at Eurasian Economic Union. Bukod dito, buong lakas na sinusuportahan ng Tsina ang Rusya na magdaraos ng Pagtatagpo ng mga lider ng BRICS at Shanghai Cooperation Orgnization Summit sa susunod na taon.

Ipinahayag naman ni Putin na matatag ang relasyon ng Tsina at Rusya at hindi maaapektuhan ito ng anumang elementong panlabas. Mabuti ang tunguhin ng pag-unlad ng relasyong Sino-Ruso at malawak ang kinabukasan nito. Ang Tsina at Rusya ay totoong komprehensibong estratehikong partners, na mayroong mahalagang komong palagay at kapakanan sa pangangalaga sa estratehikong kaligtasan at katatagan ng buong daigdig at iba pang larangan. Sa ilalim ng kasalukuyang kalagayan, dapat patuloy na pahigpitin ng dalawang panig ang estratehikong koordinasyon, buong tatag na suportahan ang isa't isa sa pangangalaga ng soberanya, kaligtasan at pag-unlad.

Malalim na nagpalitan ang mga lider ng Tsina at Rusya ng palagay hinggil sa nga isyung panrehiyon at pandaigdig na kapuwa nilang pinahahalagahan.

Salin:Sarah

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>