Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Takbo ng kabuhayang Tsino noong unang 10 buwan ng 2019, matatag sa kabuuan

(GMT+08:00) 2019-11-14 16:32:47       CRI

Ayon sa estadistikang inilabas nitong Huwebes, Nobyembre 14, 2019 ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina, noong unang 10 buwan ng kasalukuyang taon, nanatiling matatag sa kabuuan ang takbo ng kabuhayang Tsino, at maayos na sumulong ang pagsasaayos sa estruktura. Kabilang dito, matatag na lumago ang industriya ng serbisyo ng Tsina, at nananatiling mainam ang tunguhin ng paglaki ng industriya ng modernong serbisyo; tuluy-tuloy na lumaki ang industriya, at may kabilisang lumago ang mga bagong industriya at bagong produkto; matatag na lumawak ang pagbebenta sa pamilihan, at sumigla ang online retail ng mga paninda at konsuno sa serbisyo; nananatiling matatag sa kabuuan ang paglaki ng pamumuhunan, at tuluy-tuloy at may kabilisang tumaas ang pamumuhunan sa hay-tek na industriya at larangan ng lipunan. Samantala, mula noong Enero hanggang Oktubre, lumaki ng 14.2% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon ang pamumuhunan sa hay-tek na industriya.

Ipinakikita ng estadistika na noong nagdaang 10 buwan, 11.93 milyong bagong hanap-buhay ang nalikha sa mga lunsod at nayon ng buong bansa, at maagang naisakatuparan ang target ng pagdaragdag ng mahigit 11 milyong hanap-buhay sa mga lunsod at nayon sa buong taon.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>