|
||||||||
|
||
Lumagda ng kasunduan ang China Media Group (CMG) at Brazil Communication Company (Empresa Brasil de Comunicação EBC), nitong Miyerkules, Nobyembre 13, local time, sa Brasilia, kabisera ng Brazil. Ayon sa kasunduan, magtutulungan ang dalawang media group sa larangan ng pagpapalitan ng mga laman ng programa, pagbabahaginan ng mga ulat, magkasamang produksyon ng mga palatuntunan ng radyo at telebisyon, pagpapalitan ng mga tao, at pagamit ng mga teknolohiyang 5G.
Si Shen Haixiong, Presidente ng CMG
Sa kanyang talumpati sa seremonya ng paglalagda, sinabi ni Shen Haixiong, Presidente ng CMG na nang araw ring iyon, sumaksi sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Jair Bolsonaro sa pagpapalitan ng Memorandum of Agreement sa pagitan ng CMG at Ministry of Citizenship ng Brazil. Ipinahayag ni Shen ang paniniwala na ang naturang mga pagtutulungan ng magkabilang panig ay tiyak na magpapalapit ng puso ng mga mamamayan at magpapasigla ng pagpapalitang pangkultura at pangkalakalan ng dalawang bansa.
Si Luiz Carlos Pereira Gomes, Director-President ng EBC
Sa kanya namang talumpati, binalik-tanaw naman ni Luiz Carlos Pereira Gomes, Director-President ng EBC, ang mga natamong bunga sa iba't ibang larangan ng Tsina't Brazil sapul nitong nakalipas na ilang dekada. Kapansin-pansing malaman na nananatili ang Tsina bilang pinamalaking trade partner ng Brazil sapul noong 2009. Umaasa aniya siyang magtatamo ng mas maraming bunga ang pagpapalitan at pagtutulungan ng mga media organization ng dalawang bansa.
Si Osmar Terra, Minister of Citizenship
Lumahok din sa seremonya ng paglalagda si Osmar Terra, Minister of Citizenship ng Brazil, at nakipag-usap kay Shen kaugnay kung paano ipapatupad ang mga kasunduan at intensyon ng kooperasyon.
Salin: Jade
Pulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |