Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulo ng Laos at Ministro ng Tanggulang Bansa ng Tsina, nagtagpo

(GMT+08:00) 2019-11-15 16:40:03       CRI

Nakipagtagpo Nobyembre 14, 2019, sa Vientiane ng Laos, si Pangulong Bounhang Vorachith ng Laos kay Wei Fenghe, dumadalaw na Ministro ng Tanggulang Bansa ng Tsina.

Taos pusong binabati ni Bounhang ang dakilang bunga na natamo ng Tsina nitong nakaraang 70 taon sapul nang itatag ang Republika ng Bayan ng Tsina, at pinasalamatan ang suporta at tulong na ipinagkakaloob ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), pamahalaan at tropa, sa Laos. Ipinahayag din niya na buong lakas na kinakatigan ng kanyang bansa ang mas malalim na pagpapalitan ng mga tropa ng dalawang panig sa iba't ibang antas.

Sinabi ni Wei na malusog ang pag-unlad ng relasyon ng Tsina at Laos, at marami ang bunga ng pagpapalitan ng dalawang panig sa iba't ibang larangan. Nakahanda ang Tsina na patuloy na magsikap, kasama ng Laos, para isakatuparan ang mahalagang komong palagay na narating ng mga lider ng dalawang bansa, palakasin ang estratehikong koordinasyon, palalimin ang aktuwal na kooperasyon at pahigpitin ang multilateral na koordinasyon.

Salin:Sarah

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>