Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tsina, mahigpit na kinondena ang pag-atake ng mga demonstrador ng Hong Kong sa inosenteng sibilyan

(GMT+08:00) 2019-11-16 10:57:51       CRI

Kaugnay ng pag-atake at pagpatay nitong Biyernes, Nobyembre 15, 2019 ng mga demonstrador sa isang inosenteng sibilyan at insidente ng pag-atake kay Hong Kong Secretary of Justice Teresa Cheng sa London, mahigpit na kinondena ni Tagapagsalita Yang Guang ng Tanggapan ng Konseho ng Estado sa mga Suliranin ng Hong Kong at Macao, ang mga demonstrador. Nanawagan din siya na dapat parusahan ang mga demonstrador sa lalong madaling panahon.

Sinabi ni Yang na nitong ilang araw na nakalipas, tuloy-tuloy na tumataas ang lebel ng karahasan sa Hong Kong na grabeng lumalapastangan sa batas at kaayusang panlipunan, at nagsasapanganib sa seguridad ng buhay ng mga residente ng Hong Kong. Bukod sa pagsasagawa ng mga marahas na aksyon, inatake rin nila ang opisyal ng pamahalaan ng Hong Kong Special Administrative Region (HKSAR), ani Yang. Bilang tugon sa mga grabeng kilos kriminal, dapat mahigpit na parusahan ang mga may-kagagawan, alinsunod sa batas, dagdag niya.

Salin: Li Feng

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>