Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Premiyer ng Tsina at Puno ng WB, nagtagpo

(GMT+08:00) 2019-11-21 15:49:56       CRI

Nakipagtagpo Nobyembre 20, 2019, dito sa Beijing, si Premiyer Li Keqiang ng Tsina, kay David Malpass, Puno ng Wold Bank (WB).

Ipinahayag ni Li na ang WB ay mahalagang organong pandaigdig sa multilateral na pag-unlad. Lubos na pinahahalagahan ng Tsina ang relasyon sa WB, nakahanda ang Tsina na patuloy na makipagkooperasyon sa WB sa iba't ibang larangan para magkasamang pasulungin ang pag-unlad ng buong mundo.

Tinukoy ni Li na masalimuot ang kasalukuyang kalagayang pandaigdig. Nakahanda ang Tsina na palalimin ang kooperasyon sa iba't ibang bansa, para magbigay ng puwersang tagapagpasulong ng paglaki ng kabuhayan ng daigdig.

Ipinahayag ni Malpass na kinakaharap ng kabuhayang pandaigdig ang mahigpit na hamon, na kailangan ng magkakasamang pagsisikap ng iba't ibang bansa. May malaking potensyal ang pag-unlad ng kabuhayang Tsino, nakahanda ang WB na palakasin ang pakikipagkooperasyon sa Tsina.

Salin:Sarah

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>