Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Premyer Tsino, nakipagtagpo sa lider ng mga pandaigdigang organong pinansyal

(GMT+08:00) 2019-11-22 10:56:12       CRI

Ginanap Huwebes ng umaga, Nobyembre 21, 2019 ang Ika-4 na "1+6" Roundtable sa pagitan ni Premyer Li Keqiang ng Tsina at mga lider ng 6 na pangunahing pandaigdigang organong pangkabuhaya't pinansyal na may temang "Pagpapasulong sa Pagbubukas, Katatagan at De-Kalidad na Paglago ng Kabuhayang Pandaigdig." Malalimang nagpalitan ng kuru-kuro ang mga kalahok na lider hinggil sa mga paksang gaya ng prospek ng kabuhayang pandaigdig at katugong hakbangin, pagpapasulong sa reporma sa international governance at iba pa.

Ang mga lider ng nasabing 6 na organo ay kinabibilangan nina Presidente David Malpass ng World Bank, Managing Director Kristalina Georgieva ng International Monetary Fund, Pangalawang Direktor-Heneral Alan Wolff ng World Trade Organization, Direktor-Heneral Guy Ryder ng International Labor Organization, Pangkalahatang Kalihim Angel Gurria ng Organization for Economic Cooperation and Development, at Tagapangulong Randal Quarles ng Financial Stability Board.

Tinukoy na Li na sa panahon ng globalisasyong pangkabuhayan, malalimang nakisangkot sa pandaigdigang sistemang pangkabuhaya't pangkalakalan ang iba't ibang bansa sa daigdig na kinabibilangan ng Tsina. Dapat aniyang buong tatag na pangalagaan ang multilateralismo at malayang kalakalan, magkasamang harapin ang mga hamong pandaigdig, at pasulungin ang liberalisasyon at pagpapadali ng kalakalan at pamumuhunan. Dapat din samantalahin ang pagkakataon ng bagong round ng rebolusyong pansiyensiya't panteknolohiya at renobasyong industriyal, paunlarin ang bagong lakas-panulak, at pasulungin ang pagbabahagi ng bunga ng inobasyon, dagdag niya.

Sa mula't mula pa'y ang Tsina ay positibong puwersang tagapagpasulong sa reporma ng sistema ng international economic governance, diin ng premyer Tsino.

Binigyan naman ng mga lider ng nasabing 6 na organo ng positibong pagtasa ang ginawang positibong ambag ng Tsina para sa paglago ng kabuhayang pandaigdig. Anila, sa kalagayan ng pagbagal ng kabuhayang pandaigdig, dapat magkasamang pangalagaan ng iba't ibang panig ang multilateralismo at malayang kalakalan, at pasulungin ang inklusibong paglaki ng kabuhayang pandaigdig, at berde't sustenableng pag-unlad.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>