Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Premyer Tsino at mga lider ng mga pangunahing pandaigdigang organong pangkabuhaya't pinansyal, humarap sa media

(GMT+08:00) 2019-11-22 11:39:17       CRI

Pagkatapos ng Ika-4 na "1+6" Roundtable, magkakasamang humarap sa media si Premyer Li Keqiang ng Tsina at ang mga lider ng 6 na pangunahing pandaigdigang organong pangkabuhaya't pinansyal na kinabibilangan nina Presidente David Malpass ng World Bank, Managing Director Kristalina Georgieva ng International Monetary Fund, Pangalawang Direktor-Heneral Alan Wolff ng World Trade Organization, Direktor-Heneral Guy Ryder ng International Labor Organization, Pangkalahatang Kalihim Angel Gurria ng Organization for Economic Cooperation and Development, at Tagapangulong Randal Quarles ng Financial Stability Board.

Isinalaysay ni Li na batay sa temang "Pagpapasulong sa Pagbubukas, Katatagan at De-kalidad na Paglago ng Kabuhayang Pandaigdig," nagpalitan ng kuru-kuro ang mga kalahok tungkol sa mga paksang kinabibilangan ng pagtanaw sa kabuhayang pandaigdig, global economic governance, pag-unlad ng kabuhayang Tsino at iba pa, at nagkaroon ng bagong komong palagay. Aniya, buong pagkakaisang ipinalalagay ng iba't ibang panig na dapat igiit ang multilateralismo malayang kalakalan, pangalagaan ang globalisasyong pangkabuhayan at multilateral na sistemang pangkalakalan na ang batayan nito ay mga alituntunin, at palakasin ang pandaigdigang kooperasyon.

Ipinahayag naman ng mga lider ng nasabing 6 na organo na ang "1+6" Roundtable ay modelo ng magkakasamang pagharap ng iba't ibang panig sa mga hamong pandaigdig, at nagpadala ito ng positibong signal ng pagkatig sa multilateralismo.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>