Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Henry Kissinger, ibinahagi ang mga matalinong palagay hinggil sa relasyong Amerikano-Sino

(GMT+08:00) 2019-11-24 15:42:44       CRI
Sa kanyang talumpati kamakailan sa Beijing, ibinahagi ni Henry Kissinger, dating Kalihim ng Estado ng Amerika, ang kanyang mga matalinong palagay hinggil sa relasyong Amerikano-Sino.

Sinabi ni Kissinger, na ang isa sa mga pangunahing sanhi ng kasalukuyang malaking problema sa pagitan ng Amerika at Tsina ay di obdiyektibong pakikitungo sa Tsina, na dulot ng hindi lubos na pagkaunawa sa kulturang Tsino.

Ipinalalagay ni Kissinger, na bilang dalawang malaking bansa, magiging grabe kung magaganap ang sagupaang militar sa pagitan ng Amerika at Tsina. Pero aniya, bagama't umiiral ang mga pagkakaiba sa pagitan ng dalawang bansa, walang isa man dito ang magreresulta sa sagupaang militar.

Tanda rin ni Kissinger, sa kanyang lihim na biyahe sa Tsina noong 1971, may misteryo ang kanyang impresyon sa bansa. Aniya, noong panahong iyon, sinabi sa kanya ni Premyer Zhou Enlai, na ito ay dahil sa kulang na pag-uunawaan ang Tsina at Amerika. Dagdag aniya ni Premyer Zhou, kung lubos na mauunawaan ng dalawang bansa ang isa't isa, hindi magiging misteryoso ang Tsina para sa Amerika.

Dagdag pa ni Kissinger, ang isinasagawang talastasan sa kalakalan ng Tsina at Amerika ay may pag-asang maging norma o kagawian. Aniya, kung magtatagumpay ang nasabing talastasan, ito ay magiging simula ng mas malawak na diyalogo ng Tsina at Amerika sa aspektong pulitikal, na inaasahan niyang madalas na isasagawa ng dalawang bansa sa hinaharap.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>