Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

CRI Komentaryo: Pagbibigay-suporta ng Amerika sa karahasan sa Hong Kong, pinupuna ng komunidad ng daigdig

(GMT+08:00) 2019-11-26 10:51:47       CRI
Pinagtibay kamakailan ng Kongreso ng Amerika ang Hong Kong Human Rights and Democracy Act. Nakikialam ito sa suliraning panloob ng Tsina, nagbibigay-suporta sa mga radikal, at nanunulsol ng kaguluhan sa Hong Kong. Ipinakikita rin nito ang hegemonismo at power politics ng Amerika, na matagal na tinututulan ng komunidad ng daigdig.

Ang kasalukuyang mga aksyon ng panig Amerikano sa isyu ng Hong Kong ay pinupuna rin ng iba't ibang panig. Halimbawa, tinukoy ni Robert Kuhn, ekspertong Amerikano sa isyu ng Tsina, na ang karahasan ay hindi dapat katigan ng anumang bansa, at ang nabanggit na panukalang batas ay masama sa Amerika, Tsina, at maging sa daigdig. Ipinahayag naman ni Abbas Mousavi, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Iran, na ang ganitong aksyon ng Amerika ay labag sa pandaigdig na norma, at grabe itong nakakapinsala sa katatagan ng buong mundo. Tinukoy naman ni Sultan Mahmud Ghazi, Presidente ng Afghanistan-China Friendship Association, na alam na alam ng mga Afghani ang grabeng resultang dulot ng karahasan, at kahit sa alinmang pangangatwiran, hindi dapat suportahan ng Amerika ang karahasan sa Hong Kong.

Dapat buong taimtim na pakinggan ng panig Amerikano ang ganitong tinig ng komunidad ng daigdig, at agarang itigil ang pagbibigay-suporta sa karahasan sa Hong Kong sa pamamagitan ng anumang porma. Kung hindi, ito ay labag sa pandaigdig na batas at saligang norma ng relasyong pandaigdig, masama sa sariling reputasyon ng Amerika, at tiyak na tututulan ng Tsina.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>