Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

White paper hinggil sa tanggulang bansa ng Biyetnam: patakaran ng "apat na hindi"

(GMT+08:00) 2019-11-26 16:15:12       CRI
Idinaos kahapon, Lunes, ika-25 ng Nobyembre 2019, sa Hanoi, ang seremonya ng pagpapalabas ng white paper hinggil sa tanggulang bansa ng Biyetnam. Ito ang bagong bersyon ng white paper na ito, na naunang inilabas noong 2009.

Ayon kay Nguyen Chi Vinh, Pangalawang Ministro ng Tanggulang Bansa ng Biyetnam, nakalakip sa kasalukuyang white paper ang patakaran ng "apat na hindi," ibig sabihin: una, hindi lalahok sa alyansang militar; ikalawa, hindi aayon sa isang bansa para labanan ang ibang bansa; ikatlo, hindi pahihintulutan ang pagtatayo ng ibang bansa ng baseng militar sa Biyetnam o paggamit ng teritoryo ng Biyetnam para labanan ang ikatlong bansa; at ikaapat, hindi gagamitin ang dahas, o magbabantang gagamitin ang dahas sa relasyong pandaigdig.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>