|
||||||||
|
||
Beijing — Sa kanyang pakikipagtagpo Miyerkules, Nobyembre 27, 2019 sa mga dayuhang panauhing kalahok sa Middile East Security Forum, ipinahayag ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na sa kasalukuyang daigdig, ang rehiyong Gitnang Silangan ay pangunahing bahagi ng kaligaligan. Aniya, ang pagsasakatuparan ng pangmalayuang kapayapaan sa rehiyong ito, ay isyung pinahahalagahan ng iba't-ibang bansa sa daigdig at komunidad ng daigdig.
Sinabi ni Wang, na sa talumpati ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa seremonya ng pagbubukas ng Pulong Ministeryal ng Ika-8 China-Arab States Cooperation Forum, tinukoy niyang dapat itakwil ng iba't-ibang bansa ang ideya ng sariling pagtatamasa at absalutong seguridad para maitatag ang komon, komprehensibo, at sustenableng balangkas na panseguridad. Ito ay kalutasang Tsino para sa seguridad ng Gitnang Silangan, ani Wang.
Tinukoy pa ni Wang na para maisakatuparan ang nasabing hangarin, dapat magsikap ang iba't-ibang bansa sa mga susunod na aspekto: una, dapat igiit ang tumpak na direksyon ng paglutas sa isyung ito sa paraang pulitikal; ikalawa, dapat ipagtanggol ang pundamental na prinsipyo ng pagkakapantay-pantay at katarungan; ikatlo, dapat patingkarin ang masusing papel ng United Nations (UN); ikaapat, dapat buuin ang magkakasamang puwersa ng rehiyon at komunidad ng daigdig.
Dagdag pa niya, buong sipag at patuloy na magsisikap ang Tsina para maging tagapagtatag ng kapayapaan ng Gitnang Silangan, tagapagpasulong sa katatagan ng Gitnang Silangan, at tagapag-abuloy sa pag-unlad ng rehiyong ito.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |